Tekst piosenki
Hindi mo lang alam, naiisip kita
baka sakali nga maisip mo ako
hindi mo lang alam hanggang sa gabi
inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang
panahon at ngayon ako'y iyong iniwan
luhaan, sugatan, di mapakinabangan
sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam
sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
baka sakaling lang maisip mo naman
hindi mo lang alam, kay tagal na panahon
ako'y nandrito pa rin hanggang ngayon para sa'yo
Lumipas man ang araw na ubod ng saya
hindi pa rin nagbabago ang aking pagsinta
kung ako'y nagkasala, patawad na sana
ang puso kong hangal ngayon lang nagmahal
Wooh, hindi mo lang alam ako'y iyong nasaktan
o baka sakaling ngang maisip mo naman
puro siya na lang... sana'y ako naman
hindi mo lang alam ikaw'y minamasdan
sana'y iyong mamalayan
hindi mo lang alam, hindi mo alam
Kahit tayo'y magkakaibigan lang
bumabalik lahat sa tuwing nakukulitan
baka sakali lang maisip mo naman
ako'y nandito lang, hindi mo lang alam
matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
sa laro na ito ay dapat bang sumuko
sana'y di ka na lang pala aking nakilala
kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan
narito, sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
Hindi mo lang alam ako'y iyong nasaktan
o baka sakaling ngang maisip mo naman
puro siya na lang... sana'y ako naman
hindi mo lang alam ikaw'y minamasdan
sana'y iyong mamalayan
hindi mo lang alam, ohhh
Malas mo
ikaw ang natipuhan ko
hindi mo lang alam ako'y iyong nasaktan






